







Me: Mama, gusto ko ng facial chu chu’s para po hindi na ako magkatigyawat.
Mama: You’re too young for that.
Omg mom. I’m turning 18 next year. Kung kailan ko napagdesisyonang gumamit ng kung anu anong pampaganda, tyaka naman ayaw mo. Bigla ko na lang kasi naramdaman na gusto kong “gumanda?”. Ewan. Baliw ko lang.

Trust me, trust Barney, trust Ted. Nothing good happens after 2 AM. Dito ko ikwekwento ang naganap na SPARKS nung oreinteering namin. Ewan ko kung sparks o sadyang banagang lang kami nung mga panahong iyon.
Setting: Beach Resort
11:00 pm nang matapos ang activity schedule namin. Socials time! Apat kaming magbabarkada sa grupo. Tatlong babae, isang lalake. Naisipan naming apat na pumunta muna sa may bonfire at magkwentuhan muna bago matulog. Nagkwentuhan kami tungkol sa buhay, lovelife, at kung anu-ano pa hanggang sa umabot kami ng 1:00 am. Feeling ko nga di pa matitigil yun kung di pa nagyaya yung dalawang babae na umuwi. Bale, nakahiga na ako sa kama at sinusubukang matulog kaso may problema: di ako dinadalaw ng antok. Nalipasan na siguro. Napagdesisyunan kong lumabas at magpahangin. Kaso wa epek pa rin. Pumasok ako muli sa drom at dun ko napansin na gising pa rin pala yung lalakeng kabarkda namin na tatawagin nating Chinegro. Chinegro kasi singkit siya na maitim. Kung ilalarawan, sakto sa kanya ang mga pang-uring tall, dark, and quite handsome.
Anyway, nilapitan ko siya at tinanong kung bakit pa siya gising. Di rin daw kasi makatulog. “Ahhh. Ako rin eh.” sagot ko. Dahil dun, medyo nagkakwentuhan hanggang sa nag-aya siyang lumabas para hindi naman maistorbo yung ibang natutulog. Nilibot namin ang buong beach resort (literally) habang naguusap. HAHAHA. After sometime, napagod kami kaya umupo kami sa part ng beach na may mga batong pwedeng upuan. Sakto, maraming stars at kakaeclipse pa lang kaya sobrang ganda ng moon. Ayun, kwentuhan pa rin peg namin. Minsan may mga jokes na sumisingit, minsan, seryoso. Basta ang point ay nag-eenjoy kami sa company ng isa’t isa. Hindi ko alam kung paano nangyari pero dumating sa point na naisipan naming humiga na lang sa sand at mag stargaze. May nakita pa nga akong bulalakaw, ewan ko lang kung nakita niya.
Then, bigla na lang siya nagaya maglaro ng bato bato pick. Kung sino matalo, he/she will get the chance to ask any question to the other person. Kung alam mo yung 20 Questions na story, ganun ang nangyari. Maraming personal questions, pero mas maraming daring questions na hindi ko na ibabahagi dito. HAHAHA. To remind you, 2:30 am na nung mga oras na yun. Remind lang. =))
After sometime, bumangon ako at tumingin sa paligid. Medyo nagwoworry na kasi ako dahil kami na lang ata ang dormer na nasa labas. Yung mga kasama namin sa likod ay puro campers na. Napanatag ako kasi may iilan pa rin palang dormers ang nasa labas. So ayun, si chinegro ay napabangon din. Tuloy parin ang kwentuhan. Siyempre sa mga ganitong campout, di mawawala ang horror stories. Wala akong alam na horror story kaya si chinegro lang lagi nagkwekwento. Infairness, natatakot ako. TT____TT Imagine, madilim, malamig. Gaaah.
Oh well, sa kalagitnaan ng pagkwekwento niya, he grabbed my hand and hold it for a little while. Then siguro, naramdaman niyang malamig yung kamay ko, he clasped it tapos hinipan niya para uminit. O.o The series of my reaction were: kilig, awkward, utak. After how many seconds tyaka lang gumana ang utak ko at tuluyang inalis yung kamay ko sa kamay niya. Oh well.
Tuloy pa rin ang kwentuhan hanggang sa umabot kami ng 5:00 am sa labas. Alam kong paumaga na yun kaya talagang nagyaya na akong umuwi ng dorm kasi nakaktakot baka magising yung facilitator namin at magcount off at malamang wala kami sa loob. So, ayun, bumalik kami ng dorm. Kaso, pagbalik namin ng dorm, may mga nakahiga na sa kama namin! Yung mga naginuman sa may bonfire! Hala. :( paano yan, wala kaming matulugan. Buti na lang may isang natirang matress sa may dulo. Kahit walang kumot at unan, pinagtyagaan na lang namin ni chinegro yun. Pero siyempre, awkward para sakin kung may katabi akong lalake sa kama, kaya di muna ako natulog (di parin naman siya natulog). Dahil dun, tuloy ang takutan. At grabe lang, sobra akong natakot that time kasi sa harap nung kama, bintana makikita mo. Pagtingin mo sa kaliwa, bintana pa rin makikita mo. Feeling ko anytime may magpapakitang multo sakin.
Eto na yung climax, nagkakaroon na kasi kami ng tolerable physical romance. Ganito, wait, bago ka manghusga. HAHAHA. Nanakot kasi siya kaya ako, tinatakpan ko na lang yung mata ko ng kamay ko. Si chinegro naman, pulit ulit na inaalis yung kamay ko sa mata ko. Tapos, ang ginawa ko na lang, itinakip ko yung buhok ko sa mukha ko. =)) malasadako lang. Tapos nagmamakeface na lang ako na parang nanakot ako. “Grabe. Ang cute naman ng nanakot sakin. Hahaha!” ang sinasabi niya kapag hinahawi ni chinegro yung buhok ko. Tapos, minsan pinapet/pat niya yung ulo/buhok ko. “hala ka. Nandiyan na si Shomba!” *giggles*. Tapos kung ano ano pang pananakot. Tapos, siguro, naramdaman niyang legit na akong natatakot, tumigil siya. Tapos, grinab niya yung head ko, nilagay niya sa shoulders niya at sinabi niya “Eto naman, masyadong matatakutin. Parang wala ako sa tabi niya”. Ang series of reaction ko ulit: kilig, awkward, utak. As in ilang seconds muna bago gumana yung utak ko at naisipang alisin ang ulo ko sa balikat niya.
Chinegro: “Hoi. Matulog ka na. Pagod ka pa kaninang magfrisbee.”
Me: No! (takot not because takot ako sa multo. Takot ako kasi lalake kasama ko)
Chinegro: Sige ka, iiwanan kita.
Me: Waaag! :(
Chinegro: Matulog ka na kasi.
Me: Ayoko.
Chingero: Iiwanan na talaga kita.
Me: eeeh. :(
Chinegro: Sabihin mo munang gusto mo akong kasama. :)
Me: …
Chinegro: Dali na. Sabihin mo muna.
Me: …
Chinehro: Hahaha! sige na. Joke lang. Tulog ka na. 6:00 am pa call time natin. :)
Tapos he held my hand again, as if he was saying “nothing will happen, iingatan kita.” Shit lang. Ayun, i felt comfortable kaya naisipan kong umidlip na. After sometime, alam kong nakatulog na rin siya. Eh ang kaso, wala kaming kumot at nilalamok ako. Nalimpungatan ako. Naramdaman niya siguro na nagising ako kaya napabangon siya at nagtanong kung may problema. Sabi ko wala. Tapos ayun, nagpatuloy ako sa tulog ko. Maya maya pa ay bumulong siya. “Ang fun mong kasama Alyssa… Tulog ka na” omg. Okaaaay. I know. And that’s the end of my story. HAHAHA!
6:00 am nang gisingin niya ako. Wake up na raw. May mga nangyaring sparks pa kaso hanggang orienteering lang lahat. Di na natuloy afterwards kasi umiwas din ako dahil alam kong may nililigawan siya.

Last December 10, nagpunta kami ng mga kaklase ko sa Narciso, Zambales. First camp out namin yun para sa orienteering class. Excited ako kasi yun ang kaunaunahang field trip ko buong buhay ko. 6:00 am ang call time sa Jollibee Philcoa. 7:00 na nang magsimula kaming sumakay ng bus. Aalis na sana kami ng 7:30 kaso biglang may nasaging Innova yung bus na sinasakyan namin. At ang naging resulta, nauna na yung iba habang kami ay nakatanga sa Philcoa. 9:00 am na nang magdesisyon yung police officer na dalhin kami sa Camp Caringal sa may Maginhawa para picturan yung bus. 9:15 na kami tuluyang lumuwas. Akala ko makakatulog ako ng matwasay sa biyahe pero nagkamali ako. Katabi ko kasi sina Sir Teeps, Sir Lee (manager ng eheads), at si Kuya Nico na todo makipagkwentuhan at makapangintriga sakin. Minsan nakakairita pero okay lang fun naman eh, tyaka gwapo si Kuya Nico. Mga 11:25 na kami nakarating ng Batangas mismo. Nagstop over muna kami sa isang karinderya upang kumain. After naming kumain, diretso sa Crystal Beach Resort. Pahinga muna tapos diretso na sa mga seminar tungkol sa tent building at fire making. Ang di ko lang siguro makakalimutang lecture ay yun shit lectures ni Sir Lee. Shit lectures literally. Oh god. I can’t even…
Anyway, pagkatapos nun, yay! Team Building na! Ang fun sobra! Naglaro kami ng concentration game, sack race, at butterfly. May isang game na nadapa ako at kinaladkad ako nung kapartner ko. Ayun, dami kong sugat sa tuhod. Hahaha! Competitive kami bakit ba? After nun, frisbee na! Dahil sa active ako, kasali ako sa dalawang teams. Di ako nagvolunteer, sila pumili sakin. Hahaha! Super pagod kasi apat na sunod sunod na game ang nilahukan ko. :(( After frisbee, skim boarding!! (my favorite) Nakakatuwa kasi nakatayo ako at nakapag skim ako! Pero still noob! Hohoho. Tapos… nagswimming na kami! So fun. Although I am so noob at swimming at lagi lang akong nasa mababaw na part, iba parin pag may kasama.
After nun, naligo na muna kami tapos, ayun prepare for dinner! Kaso, nawawala yung dinner namin! No. Hindi pala nawawala, nawala ang tamang term. Ewan namin kung saan napunta. Basta nawala. Haays. Buti na lang may tindahan sa loob ng resort. Hihihi. At dahil walang marunong magluto samin, si kuya Armani ang nagluto not just for the dinner, but also for lunch. Hahaha! Ang sarap ng luto ni Kuya Armani! :DD Yay! We’re just like family nung kumakain kami. Yum yum yum! :> Kami pala naatasang maghugas afterwards. Then, of course, pagod na kami so we were hoping na wala nang group presentation kaso, hindi pumyag si Sir Dizer eh. Yung group presentation namin, ginaya namin yung Pinoy Henyo ng Eat Bulaga. And it turned out na ako si Ryzza and I needed to dance the Chaharap! Shit. Self support ako. Ako na sumayaw, ako pa kumanta. Pero oh well, benta ako. Hahaha! Napatawa ko sila. :> Okay naman ang kinalabasan ng group presentation namin.
After nun, socials! kung saan maraming nangyari. Hihihi. I’ll blog about it later. Well, hindi ako natulog because of one person <3 kaya nung kinaumagahan, ako nagluto ng breakfast. Medyo natagalan lang kasi nagsarili ako dahil tulog pa si Sir Teeps. Ayun, mga 9:00 na kami nakapag breakfast. After breakfast, swimming ulit! Yay! May mga naganap na naman hahaha! Tapos naglunch then umuwi na. :3 2:30 kami nagdepart. Relaxing yung biyahe kasi nakatulog ako. Mga 5:00 pm nagstop over kami sa may Shell of Asia along NLEX para magdinner and do necessary stuffs. 7:00 pm na kami nakarating ng Philcoa.
Oh well. Basta masaya. Sana sa susunod na camp out ulit. :D


Okay. Hindi ko alam kung ngayon lang nagkakamalay ang mga Pilipino sa internet, pero what the heck, napakamainstream na ng twitter, facebook, at skype. Grabe, 2006 or 2005 pa lang may skype na ako. 2008 palang nagtwetweet na ako. Hindi na ako magtataka kung by the year 2020, sikat na ang sound cloud o kaya Oovoo which are sites na mas maganda pa kaysa sa skype at multiply. Napakaover rated na masyado ng internet. Ako, mismo, inaamin ko na internet ang isa sa mga dahilan kung bakit tamad akong tao at medyo mahina na ang utak.


